Home METRO Tindahan ng paputok sa Antipolo, tinupok ng apoy sa pagsalubong ng Bagong...

Tindahan ng paputok sa Antipolo, tinupok ng apoy sa pagsalubong ng Bagong Taon

288
0

RIZAL – Matapos ang pagdiriwang ng pagsalubong ng bagong taon, isang insidente ng sunog ang naganap sa Sumulong Football Field, Barangay Dela Paz, Antipolo City matapos lamunin ng apoy ang isang tindahan ng paputok sa gitna ng pagdiriwang ng Bagong Taon, Enero 1, 2026.

Ayon sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog dakong 12:05 AM. Nag-ugat umano ito sa isang aerial firework na nag-malfunction habang ginagamit sa pagsalubong sa taong 2026.

Sa halip na tumaas, tumumba ang paputok at sumabog sa mismong ground level, dahilan upang mabilis na kumalat ang apoy sa kalapit na tindahan ng mga paputok.

Dahil sa mabilis na aksyon ng mga bumbero, idineklarang fire out ang sunog dakong 12:12 AM, pitong minuto matapos itong magsimula. Bagaman mabilis na naapula, opisyal lamang itong naiulat sa Antipolo Component City Police Station dakong 1:30 AM matapos ang validation sa lugar. (Maritess Pumaras)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here