Home NATIONWIDE Military exercises ng China sa paligid ng Taiwan, ikinabahala ng Pinas

Military exercises ng China sa paligid ng Taiwan, ikinabahala ng Pinas

259
0

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pag-aalala ang Department of National Defense (DND) sa mga military exercises ng China sa paligid ng Taiwan, na maaaring makasira sa katatagan ng Indo-Pacific region.

“This heightened scale of coercion has implications that extend beyond cross-Strait relations and into the broader Indo-Pacific community,” ani DND Secretary Gilberto C. Teodoro Jr.

Binigyang-diin niya ang pangangailangan ng self-restraint at nagbabala laban sa paggamit ng international law para baligtarin ang tensyon.

“Pinagtitibay ng Pilipinas ang suporta sa isang malaya, bukas, matatag, at rules-based na Indo-Pacific, kung saan ang pagkakaiba ay nilulutas sa mapayapang paraan nang walang panlilinlang, pamimilit, o pananakot,” dagdag ni Teodoro.

Ang drills na tinawag na “Justice Mission 2025” ay kinabibilangan ng pagpapaputok ng rockets, warships, at aircraft malapit sa Taiwan.

Bagama’t iniulat na nagsimula nang umatras ang puwersang Tsino, mataas pa rin ang tensyon.

Pinalakas ng AFP ang depensa sa Northern Luzon, kabilang ang forward operating base sa Batanes, upang maghanda sa posibleng labanan at repatriation ng tinatayang 250,000 OFWs sa Taiwan.

Patuloy din na iginiit ng Pilipinas ang karapatan sa West Philippine Sea, alinsunod sa 2016 arbitral ruling na tumanggi sa malawakang claims ng China. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here