Manila, Philippines – Nagbigay ng fearless prediction ang isang psychic at tarot card reader hinggil sa dating magkarelasyong sina Gerald Anderson at Julia Barretto.
Ayon kay Mamu na mataas ang batting average, nakikita raw niyang malabo nang magkabalikan ang dalawa.
Sa estado raw ni Gerald, nakikita niyang magulo at pabago-bago ang isip nito.
Wala rin daw itong pakialam sa mundo, basta ang importante raw dito ay gusto muna nitong mag-isa.
Ito rin marahil ang dahilan kaya nagpo-focus muna ito sa kanyang karera.
Pagdating sa pakikipagrelasyon, hindi rin daw ito ganoon kaseryoso.
Bagama’t hindi nagsasalita sa isyu, naba-vibes daw niya na si Ge ang unang kumalas kay Julia.
As to Julia, patuloy pa rin daw naman ang pag-usbong ng career ng aktres.
May mga projects pa rin itong gagawin na iba ang leading men.
Gayunpaman, sa kasalukuyan daw ay hurting pa rin ito sa naging hiwalayan nila ni Ge. Archie Liao