MANILA, Philippines – Hindi pa ramdam ang pagdagsa ng mga pasahero sa Manila North Harbor port sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa pamunuan ng pantalan, posibleng sinusulit pa ng marami ang bakasyon dahil sa weekend pa.
Pero asahan na bago ang pagbabalik-trabaho sa susunod na linggo ng mga umuwi sa kani-kanilang probinsya, saka lamang dadagsa ang mga pasahero sa pantalan.
Ngayong araw, may mga barko na umalis papuntang Bacolod, Cagayan de Oro, at Iloilo.
Inaasahan naman ang pagdating ng barko na may sakay lamang na 77 pasahero mula sa Iloilo, General Santos, at Davao.
Nanatiling nasa heightened alert ang mga pantalan sa bansa hanggang Enero 5 para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa pagbabalik sa Metro Manila. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)