CABANATUAN, Isabela – Huli ang isang 48-anyos na Local Government Unit (LGU) employee matapos na umanoy magpaputok ng baril sa kasagsagan ng salubong sa Bagong Taon sa Cabanatuan, Isabela.
Ayon sa ulat, nakikipag-inuman umano ang nasabing mister sa mga kaanak nang biglang mawala siya at may marinig na lamang na mga putok ng baril.
Sa pagresponde ng pulisya, narekober ang 9mm Glock 17 pistol na may natitirang dalawang bala, gayundin ang 11 basyo ng bala.
Pansamantala, nasa kustodiya ng pulisya ang akusado habang inihahanda ang kaukulang kaso.