Home HOME BANNER STORY Pagsugod sa ospital kay Ombudsman Remulla, fake news!

Pagsugod sa ospital kay Ombudsman Remulla, fake news!

249
0

MANILA, Philippines – Mariing itinanggi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla noong Biyernes ang kumakalat na balitang siya ay naospital o “rushed” sa ospital.

“Fake news,” maikling sagot ni Remulla tungkol sa umano’y kanyang pagkaospital.

Nauna ring itinanggi ng Office of the Ombudsman ang usap-usapan.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, “fake news” rin ang balita at sinabing, “He had a hearty sinigang this morning for breakfast.”

Sinabi rin ni Interior Secretary Jonvic Remulla na ang kanyang nakatatandang kapatid ay naglaro pa ng golf noong Biyernes ng umaga at may nakatakdang almusal kasama niya ngayong Sabado.

Kumalat ang usap-usapan sa social media na umano’y isinugod sa ospital ang Ombudsman, na kasalukuyang nangunguna sa imbestigasyon sa malawakang korupsiyon sa mga proyektong imprastruktura ng gobyerno. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here