Home NATIONWIDE Anti-Political Dynasty Bill, tatalupan ng Kamara sa Enero 27

Anti-Political Dynasty Bill, tatalupan ng Kamara sa Enero 27

242
0

MANILA, Philippines – Uunahing talakayin ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang mga panukalang batas laban sa political dynasties sa pagdinig nito sa Enero 27, ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, chair ng komite at deputy majority leader ng Kamara.

Ito ay kasunod ng matinding panawagan mula sa loob at labas ng Kongreso na talakayin ang isyu.

Bagamat ipinagbabawal ng 1987 Constitution ang political dynasties, wala pa ring naipapasang enabling law ang Kongreso.

Ayon kay Adiong, may 17 panukalang batas na ngayon tungkol sa anti-political dynasty.

“[T]he fact that we have received several– 17, kung ‘di ako nagkakamali na ngayon, 17 versions of the same subject matter, it only means na ang House of Representatives, the members are willing to see and willing to participate in wanting to see the end of all this talk on anti-political dynasty,” aniya.

Kabilang sa mga panukala ang House Bill 6771 na inihain nina House Speaker Faustino “Bojie” Dy III at House Majority Leader Sandro Marcos.

Inaasahan ni Adiong ang mahaba at mainit na debate, at aminado siyang hindi lahat ay masisiyahan sa magiging resulta.

“Well it’s going to be tough, I admit. Honestly, I’m expecting a lot of questions… Kung anuman ‘yung magiging resulta ng usapin sa anti-political dynasty, I’m sure hindi lahat masaya,” ani Adiong.

Dagdag pa niya, may banggaan ng pananaw sa isyu.

“There’s one sector saying, ‘That’s very constitutional because that’s what the Constitution dictates.’ So there’s really a clash of school of thought when it comes to anti-political dynasty,” aniya.

Iminungkahi rin ni Adiong na magsagawa ng public consultation sa grassroots upang malaman ang tunay na opinyon ng mamamayan, at inaasahang iimbitahan ang mga legal experts, constitutional scholars, dating mahistrado ng Korte Suprema, at ilang framers ng Konstitusyon sa mga pagdinig. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here