Home METRO Sunog tumupok sa bahagi ng mall sa Davao

Sunog tumupok sa bahagi ng mall sa Davao

244
0

DAVAO, Philippines – Isang apat na oras na sunog ang tumupok sa ikatlong palapag ng Gaisano Grand Citygate Mall sa Buhangin District, Davao City noong Biyernes ng hapon, dahilan upang lumikas ang mga empleyado at mamimili.

Ayon sa Davao City Police Office (DCPO), nagsimula ang sunog bandang 3:15 p.m. at umabot sa ikatlong alarma makalipas ang isang oras.

Gumamit ang mga bumbero ng ladder truck upang maabot ang mataas na bahagi ng gusali at mapabilis ang pag-apula.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa linen section ng department store.

Sa kasagsagan ng insidente, makapal na usok ang bumalot sa kalsada sa Buhangin.

Nailagay sa kontrol ang sunog bandang 6:19 p.m. at tuluyang naapula dakong 7:05 p.m.

Nag-deploy naman ang pulisya ng mga tauhan sa paligid ng mall upang maiwasan ang looting.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at ang kabuuang halaga ng pinsala. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here