MANILA, Philippines – Binabantayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa Iran kasunod ng lumalalang kaguluhan dulot ng tumitinding krisis sa ekonomiya.
May tinatayang 800 Pilipino sa Iran, kung saan nagsimula ang protesta sa Tehran noong Linggo.
Nag-walkout ang mga tindero sa mataas na presyo at mabagal na ekonomiya, at kumalat ang kilos-protesta sa ibang lungsod.
Noong Huwebes, nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga nagpoprotesta at pwersa ng seguridad sa ilang lungsod, na nagdulot ng unang anim na nasawi mula nang magsimula ang demonstrations.
Walang Pilipino ang naapektuhan sa ngayon, ayon sa DFA. Pinayuhan ang mga kababayan na iwasan ang hindi kailangang paggalaw, lalo na sa mataong lugar.
Para sa tulong, maaring makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Tehran sa email [email protected] o sa WhatsApp/Viber +989122136801. RNT/MND