Home TOP STORIES PH embassy sa Switzerland nakamonitor sa mga Pinoy matapos sunog sa Crans-Montana

PH embassy sa Switzerland nakamonitor sa mga Pinoy matapos sunog sa Crans-Montana

233
0

SWITZERLAND – Iniulat ng Philippine Embassy sa Berne, Switzerland na minomonitor nila ang kalagayan ng mga Pilipino sa bansa matapos ang malagim na sunog sa ski resort town ng Crans-Montana noong Enero 1, 2026.

Ayon sa Embahada, dose-dosena ang nasawi at higit 100 ang nasugatan nang tumupok ang isang bar habang nagdiriwang ang mga kabataan ng Bagong Taon.

Nagpaabot ng pakikiramay ang Embahada sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga biktima. Hinikayat din nito ang mga Pilipino na maapektuhan o may alam tungkol sa kanilang mga kamag-anak sa insidente na makipag-ugnayan sa Embahada.

“Ang Embahada ay handang magbigay ng lahat ng kinakailangang tulong sa mga Pilipinong nangangailangan,” ani ng Embahada. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here