MANILA, Philippines – Pinauwi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) 9 sa kanilang mga bayan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang 200 Pilipino mula Sabah noong Biyernes.
Ayon sa DSWD-9, mga residente ng Bongao at Sitangkai sa Tawi-Tawi ang mga bumalik. Binigyan sila ng tulong sa transportasyon at pera para sa pagkain at iba pang pangangailangan habang bumabiyahe.
Dumating ang grupo sa lungsod noong Disyembre 20, 2025, at pansamantalang dinala sa DSWD Processing Center for Displaced Persons (PCDP) sa Barangay Mampang.
Ani PCDP head Abdulman Samson, nagdaos sila ng year-end celebration para sa mga bumalik noong Huwebes.
“The activity is conducted annually to help the clients experience the spirit of the holidays despite being away from their families,” sabi ng DSWD-9. RNT/MND