Home METRO Mayon nananatiling alert level 2; level 3 di pa kailangan

Mayon nananatiling alert level 2; level 3 di pa kailangan

218
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Phivolcs, hindi pa kailangan itaas sa Level 3 ang alert status ng Mayon Volcano.

Ani Phivolcs Director Teresito Bacolcol, “As of today, we are not seeing clear and sustained indicators to raise the alert to Level 3.”

Naitala ng ahensya ang 43 rockfall events mula Enero 1, 12 a.m. hanggang Enero 2, 12 a.m., bahagyang mas mababa kaysa sa 47 noong nakaraang araw.

Itinaas sa Level 2 ang alert noong Huwebes dahil sa pagdami ng rockfalls at patuloy na paglobo ng bulkan.

Ayon kay Bacolcol, ang mga rockfall ay dulot ng pag-akyat ng mainit na materyal sa loob ng bulkan na nagpapahina sa summit dome at lumang lava deposits, at maaaring magdulot ng mas maraming rockfalls at pyroclastic flows. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here