Home NATIONWIDE Pondo sa 2026 budget, magpapabilis ng konstruksyon ng classrooms – Gatchalian

Pondo sa 2026 budget, magpapabilis ng konstruksyon ng classrooms – Gatchalian

260
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senator Sherwin Gatchalian noong Biyernes na ang panukalang 2026 national budget ay magpapabilis sa pagtatayo ng classrooms para matugunan ang kakulangan sa basic education facilities.

Ani Gatchalian, “Hindi lamang tayo naglaan ng mas malaking pondo para sa pagpapatayo ng mga classrooms. Tiniyak din nating mapapabilis ito sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng iba’t ibang sektor.”

Nakalaan sa panukalang P85 bilyong pondo ang pagtatayo at rehabilitasyon ng classrooms, kung saan P65.9 bilyon ang para sa kindergarten hanggang secondary school buildings at technical-vocational labs.

Maaaring makipag-partner ang DepEd sa DPWH, LGUs, NGOs, civil society, at AFP Corps of Engineers upang sabay-sabay na itayo ang classrooms sa buong bansa.

Ani Education Secretary Sonny Angara, ang 2026 budget ay nakatuon sa malinaw at masukat na resulta sa pagkatuto ng mga estudyante. Ayon sa EDCOM II, may kakulangan ng 165,000 classrooms sa bansa na nagdudulot sa ilang bata na mag-aral ng maaga o manatili sa bahay. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here