Home NATIONWIDE Maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan mararanasan sa Pinas

Maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan mararanasan sa Pinas

204
0

MANILA, Philippines – Makararanas ng karaniwang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pulu-pulong pagkidlat at pagkulog ang malaking bahagi ng bansa ngayong Linggo, na may posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang lugar, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa 4 a.m. weather advisory nito, sinabi ng PAGASA na naaapektuhan ang lagay ng panahon ng shear line sa Palawan at bahagi ng Visayas, northeast monsoon sa Luzon, at easterly winds sa Mindanao. Inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Visayas, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, at Palawan, kung saan maaaring magdulot ng pagbaha o landslide ang katamtaman hanggang malalakas na buhos ng ulan.

Apektado rin ng northeast monsoon ang Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Aurora, Quezon, MIMAROPA, at natitirang bahagi ng Bicol Region na makakaranas ng maulap na kalangitan at malawakang pag-ulan. Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon, inaasahan ang maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan at walang inaasahang malaking epekto.

Samantala, magdadala ang easterly winds ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Mindanao, habang inaasahan ang malalakas hanggang mala-bagyo na hanging amihan at maalon hanggang napakaalon na karagatan sa hilaga at silangang bahagi ng Luzon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here