Home NATIONWIDE DFA, inaalam pa kung may Pinoy na nadamay sa Swiss bar fire

DFA, inaalam pa kung may Pinoy na nadamay sa Swiss bar fire

193
0

MANILA, Philippines – Inaalam pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung may mga Pilipino na apektado sa sunog sa isang bar sa Switzerland na ikinamatay ng hindi bababa sa 40 katao noong Bagong Taon sa Crans-Montana.

“Ang Department of Foreign Affairs, sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Berne, ay masusing nagbabantay sa mga kaganapan at nakikipag-ugnayan sa Swiss authorities upang tiyakin kung may apektadong Pilipino,” ayon kay DFA Spokesperson Angelica Escalona.

Idinagdag niya na handa ang embahada na tulungan ang sinumang Pilipino na apektado.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad sa Switzerland, maaaring sanhi ng sunog ang mga “fountain candle” sparklers, na nakapinsala rin sa humigit-kumulang 100 katao. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here