Home NATIONWIDE Travel at safety advisory sa Pinoys sa Venezuela, inilabas ng Pinas

Travel at safety advisory sa Pinoys sa Venezuela, inilabas ng Pinas

279
0

MANILA, Philippines – Mahigpit na binabantayan ng Pilipinas ang sitwasyon sa Venezuela matapos ang iniulat na malawakang operasyon ng US na nagresulta sa pagdakip kay Pangulong Nicolas Maduro, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Linggo.

“The Philippines is closely monitoring the evolving situation in Venezuela,” sabi ni DFA spokesperson Angelica Escalona.

Idinagdag niya na hinihikayat ng bansa ang lahat ng partido na “resolve disputes through peaceful means, and to exercise restraint to prevent escalation of conflict.”

Naglabas ng travel at safety advisory para sa mga Pilipino sa Venezuela ang Philippine Embassy sa Bogota, na siyang non-resident mission para sa bansa, at handa ring magbigay ng tulong kung kinakailangan.

Lumabas ang pahayag kasunod ng anunsiyo ni US President Donald Trump na matagumpay na naisagawa ng Amerika ang isang “large scale strike” laban sa Venezuela, at idineklarang nadakip ang mag-asawang Maduro.

Inakusahan na dati ng US si Maduro ng drug trafficking, na mariing itinanggi ng lider Venezuelan. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here