Home ENTERTAINMENT Psychic, may babala kay Vice!

Psychic, may babala kay Vice!

228
0

Manila, Philippines – Magsilbi sanang babala kay Vice Ganda ang mga ‘di kagandahang senyales na nakikita ng isang kilalang psychic.

Ayon sa vibration ng kilalang manghuhula, physically at emotionally ay may iniinda ang Unkaboggable Star.

Sa physical aspect, hindi raw nakakatulog nang maayos sa gabi ang It’s Showtime host. Ipinaliwanag ng psychic na dito rin nagmumula ang madalas na pagkahilo ni Vice.

Hindi naman daw makuhang lumiban ni Vice sa kanyang daily hosting job. Priority pa rin daw niya ang maghatid ng saya, regardless of her physical condition.

Sa emotional aspect naman, nararamdaman ng psychic na nilulukuban ng kalungkutan ang TV host. May kinalaman umano ito sa posibilidad na bukas o makalawa’y maaaring magkahiwalay sila ng partner na si Ion Perez.

In fairness naman daw kay Vice, inihahanda na raw niya ang kanyang sarili sakaling kakailanganing iwan siya ni Ion in favor of a girl he wants to marry and spend the rest of his life with. Tanggap daw ni Vice Ganda kung dumating man ang ganitong eventuality.

Bilib nga raw ang psychic kung paanong dalhin ng TV host ang mga problema niya—both physical and emotional—without her fans sensing.

Pero sa pagitan ng kanyang physical at emotional letdowns, pinapayuhan ng psychic si Vice Ganda na mas unahing i-address ang kanyang physical well-being. As in, magpahinga rin kung kinakailangan paminsan-minsan.

(Ronnie Carrasco III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here