Home METRO 5.9-M pasahero bumiyahe sa dagat sa nagdaang Holiday — PCG

5.9-M pasahero bumiyahe sa dagat sa nagdaang Holiday — PCG

212
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa hindi bababa sa 5.9 milyong pasahero ang bumiyahe sa dagat sa buong bansa nitong Pasko at Bagong Taon, isa sa pinakamataas na bilang na naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga nakaraang taon.

Ayon kay PCG spokesperson Capt. Noemie Cayabyab, inaasahang tataas pa ang bilang dahil tuloy ang monitoring ng ahensya mula Disyembre 20, 2025 hanggang Enero 4, 2026.

Noong nakaraang taon, anim na milyong pasahero ang naitala sa kaparehong panahon.

“As we speak, we have already monitored around 5.9 million passengers. Just yesterday, January 3, the PCG monitored around 445,000 inbound and outbound passengers nationwide,” ani Cayabyab sa panayam sa dzBB.

Nagsimulang tumaas ang bilang ng mga pasahero noong Disyembre 28 at inaasahang magpapatuloy habang bumabalik ang mga bakasyunista sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya.

“Today, we expect our ports to be crowded as many of our countrymen begin returning from their holiday trips,” dagdag niya.

Mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-6 ng umaga ng Enero 4, nakapagtala ang PCG ng 32,813 outbound at 31,474 inbound passengers sa lahat ng pantalan.

Sa parehong panahon, 234 na sasakyang-dagat at 141 motorbanca ang na-inspeksyon ng 16 PCG districts.

Sa kabila ng dagsa ng pasahero, pansamantalang sinuspinde ang biyahe sa ilang lugar dahil sa gale warning na inilabas ng PAGASA.

“Definitely, we are expecting even more passengers today since there are no raised storm signals, only a gale warning has been issued in some areas,” ayon kay Cayabyab.

Dahil dito, may mga na-stranded na pasahero sa Real, Infanta at Panukulan sa Quezon Province; Northern Samar; Arteche, San Policarpio, Oras at Dolores sa Eastern Samar; pati sa Batanes, Calayan at Santa Ana sa Cagayan, Isabela, Aurora, at Kalayaan Island Group sa Palawan.

Sa Manila North Harbor, pinatigil ang biyahe ng mga barkong may 250 gross tonnage pababa.

Sa kabila ng sitwasyon, sinabi ng PCG na wala silang natanggap na reklamo tungkol sa kaligtasan o serbisyo.

“We have Malasakit Help Desks in all ports so all concerns of our passengers can be raised there. But as of today, we have not received any reports,” ani Cayabyab.

Binigyang-diin din niya na mahigpit na ipinatutupad ang no overloading policy at sapat ang life jackets sa bawat biyahe.

“Regarding life jackets, our Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan, has issued strict directives that no excess passengers are allowed. Only the number of passengers that the ships can accommodate will be allowed on board,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, “The number of life jackets will definitely be sufficient for all passengers boarding the vessels if there are no excess passengers.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here