Home METRO Cebuano nag-uwi ng higit P288-M sa Grand Lotto

Cebuano nag-uwi ng higit P288-M sa Grand Lotto

220
0

MANILA, Philippines – Isang mananaya mula Cebu ang naging instant multimillionaire matapos mapanalunan ang mahigit P288-milyong jackpot ng Grand Lotto 6/55 sa draw noong Sabado, Enero 3, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nahulaan ng mananaya ang winning combination na 13-42-06-45-24-33, na may kabuuang jackpot prize na P288,616,075.

Ayon sa PCSO, ang winning ticket ay binili sa isang outlet sa Compostela, Poblacion, Cebu.

Samantala, 47 bettors naman ang nanalo ng tig-P100,000 matapos makuha ang lima sa anim na numero ng winning combination.

Sa ilalim ng TRAIN Law, awtomatikong ibabawas ang 20 porsiyentong buwis sa jackpot prize.

Upang makuha ang premyo, kailangang magtungo ang nanalo sa PCSO main office sa Mandaluyong City at magpakita ng dalawang valid ID.

Matatandaang isang lone bettor din mula Sorsogon City ang nanalo ng P14,435,567 jackpot sa Megalotto 6/45 noong draw ng Enero 2. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here