Home TOP STORIES Kalayaan ng Venezuela, ipinanawagan ni Pope Leo

Kalayaan ng Venezuela, ipinanawagan ni Pope Leo

277
0

VATICAN CITY – Nanawagan si Pope Leo na panatilihing isang malayang bansa ang Venezuela at ipagpatuloy ang respeto sa karapatang pantao at batas, matapos ang pag-alis sa kapangyarihan ni Pangulong Nicolas Maduro ng Estados Unidos, ayon sa ulat ng Vatican News noong Linggo.

“We must not delay in overcoming violence and embarking on paths of justice and peace, while guaranteeing the country’s sovereignty,” ani Pope Leo sa St. Peter’s Square.

Idinagdag niya ang kahalagahan ng pagrespeto sa karapatang pantao at sibil ng bawat isa sa Venezuela.

Hinimok din ng Santo Papa ang pagtataguyod ng kapayapaan, katarungan, at kolaborasyon, lalo na sa mga mahihirap na apektado ng matinding krisis pang-ekonomiya.

Inialay niya ang lahat ng mamamayan ng Venezuela sa panalangin nina Our Lady of Coromoto, St. José Gregorio Hernández, at St. Carmen Rendiles.

Sinabi ni US President Donald Trump noong Sabado na kukunin ng Amerika ang kontrol sa Venezuela matapos ang raid para hulihin si Maduro, na kasalukuyang nakakulong sa New York habang naghihintay ng kaso sa droga.

Noong Disyembre, pinayuhan ni Pope Leo si Trump na huwag gamitin ang puwersang militar sa pagpapaalis kay Maduro.

“The good of the beloved Venezuelan people must prevail over every other consideration,” ani ng Santo Papa.

Kasabay nito, binalita rin ni Pope Leo ang pagtatapos ng Jubilee Year 2025 sa Enero 6, ang Feast of the Epiphany, at siya rin ang mangunguna sa pagsasara ng Porta Santa sa St. Peter’s Basilica sa Martes. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here