KOREA – Nagpakawala ng ballistic missiles ang North Korea noong Linggo, sa parehong araw na nagsimula ang state visit ng Pangulo ng South Korea na si Lee Jae Myung sa China, kaalyado ng Pyongyang, at ilang oras lang matapos ang pag-atake ng US sa Venezuela.
Ayon sa South Korea, kasama sa agenda ng pagbisita ni Lee ang usapin ng kapayapaan sa Korean Peninsula at isang summit kasama ang lider ng China na si Xi Jinping.
Sinabi ni Lim Eul-chul, propesor sa Institute for Far Eastern Studies sa Seoul, na ang missile launch ay mensahe sa China upang hadlangan ang mas malapit na ugnayan ng China at South Korea at tugunan ang pananaw ng China sa denuclearization.
Idinagdag niya na gusto rin ng North Korea ipakita na “we are different from Venezuela” bilang nuclear at military power, handa sa “aggressive deterrence.”
Ayon kay Bong Youngshik, visiting professor sa Yonsei University, “After seeing what’s happening in Venezuela right now, the person who would be most afraid is Kim Jong Un.”
Pinuna ng Seoul at Tokyo ang missile launch. Nagpatawag ng emergency security meeting ang South Korea at nanawagan sa North Korea na itigil ang “provocative acts that violate United Nations Security Council resolutions.”
Sinabi naman ng Japanese Defense Minister Shinjiro Koizumi, “Our government lodged a strong protest with North Korea and strongly condemned it.”
Ayon sa militar ng South Korea, ang missiles ay lumipad ng humigit-kumulang 900 km. Ang huling ballistic missile test ng North Korea ay noong Nobyembre 7.
Ilang linggo bago ito, pinuntahan ni Kim Jong Un ang ilang armas pabrika at isang nuclear-powered submarine, at pinangunahan ang missile tests bilang paghahanda sa Ninth Party Congress ng Workers’ Party ngayong taon.
Sa kabilang banda, umaasa si South Korea na makakatulong ang China sa pagtataguyod ng kapayapaan sa peninsula, ayon kay Wi Sung-lac, security adviser ni Lee. RNT/MND