Home NATIONWIDE National Farmer’s Day tuwing Enero 22, isinusulong ni Sen. Legarda

National Farmer’s Day tuwing Enero 22, isinusulong ni Sen. Legarda

220
0

MANILA, Philippines – Hiniling ni Senador Loren Legarda ang pagpasa ng batas na magdedeklara sa Enero 22 bilang National Farmer’s Day bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga Pilipinong magsasaka sa pag-unlad ng bansa.

“Declaring January 22 as National Farmer’s Day institutionalizes our collective recognition of their sacrifices, serving as a reminder for government agencies, local government units, private institutions, and communities to uphold substantial programs supporting our farmers and fisherfolk,” sabi ni Legarda nang isinumite ang Senate Bill No. 1265.

Ayon sa kanya, layunin ng paggunita na ito na lampasan ang simbolismo at bigyang-pugay ang kanilang tiyaga at pagsusumikap, pati na rin hikayatin ang lahat ng sektor na palakasin ang suporta sa kanilang kapakanan.

Binanggit ni Legarda na sa kabila ng mahalagang papel ng mga magsasaka at mangingisda, marami pa rin sa kanila ang naghihirap, na may poverty incidence na 27% at 27.4%.

“Our farmers face the growing threat of climate change and natural calamities. Still, they endure while they serve as the quiet frontliners in ensuring food security,” dagdag niya.

Layunin ng Senate Bill No. 1265 na kilalanin ang kontribusyon ng mga magsasaka noon at ngayon sa pamamagitan ng taunang pagdiriwang tuwing Enero 22. “By honoring our farmers annually, we reinforce their identity as modern-day heroes,” sabi ni Legarda. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here