Home ENTERTAINMENT Aiko at Onemig, magjowa na?ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Aiko at Onemig, magjowa na?January 5, 2026 12:532590 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Hindi pa man ay marami nang shippers ang matagal nang magkaibigang Quezon City Councilor Aiko Melendez at Onemig Bondoc.Positibo kasi ang mga comments ng netizen patungkol sa litrato nilang magkasama.Nagkakaisa tuloy ang tanong ng mga curious netizens– nagkakamabutihan na ba sina Aiko at Onemig?Ang ginamit nilang basis ay ang photo na ipinost ng musikerong si Dong Abay sa Facebook.May caption si Dong na: “Yearend with Aiko Melendez and Onemig Bondoc here in Aliya Surf Camp, Baler, Quezon.”“Bagay na bagay!” sey ng isang netizen.“Wow, may namumuo yata…sana maging kayo na lang!” hirit naman ng isa pa.On Aiko’s recent vlog, kay Onemig na rin nanggaling he once courted Aiko.Problem was, hindi daw siya sinipot ng aktres.On either side, walang sagabal kung mauwi man sa seryosong ugnayan ang kanilang decades-long friendship.Since October 2025, single na muli si Aiko makaraang maghiwalay sila ni Zambales Representative Jay Khonghun. Ronnie Carrasco III