Home ENTERTAINMENT MMFF box office ranking, inilabas na; Rekonek, kulelat!

MMFF box office ranking, inilabas na; Rekonek, kulelat!

361
0

Manila, Philippines – Mismong si Ogie Diaz na ang umako bilang source ng tungkol sa box office ranking ng walong opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2024.

Pinaninindigan na this time ng talent manager cum vlogger ang puwesto ng eight festival entries ayon sa kinita ng mga ito sa takilya.

Nilinaw ni Ogie na siya na mismo ang nangalap ng mga datos sa halip na palabasin ng iba na sa kanya galing ‘yon when he never tackled it on their online program.

Ang nakalap nga lang na datos ni Ogie ay anim na araw lang ang coverage since all eight films opened on December 25.

Sa kabuuan, kumita ang walong pelikula sa loob ng anim na araw ng P350M.

Of this gross take, ang order ng mga pelikulang naghati-hati ay pinangungunahan ng Call Me Mother–na siyang topgrosser.

Sinusundan ito ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.

Coming in third ay ang Bar Boys: After School.

Pang-apat sa puwesto ang Unmarry.

Sumunod ay ang Love You So Bad.

Coming in next ay ang I’m Perfect followed by Manila’s Finest.

Panghuli ay ang Rekonek.

Sa first two days pa lang ay kapansin-pansin na ang trend na halos walang pinag-iba sa loob ng anim na araw.

As for the second topgrosser–ang nag-iisang horror entry na SR&R–malayo ang agwat nito sa Vice Ganda-Nadine Lustre entry.

So there. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here