Home NATIONWIDE Imahe ng Jesus Nazareno dinala na sa Quirino Grandstand para sa Pahalik

Imahe ng Jesus Nazareno dinala na sa Quirino Grandstand para sa Pahalik

274
0

MANILA, Philippines – Dinala na nitong Linggo ng gabi, Enero 4, sa Quirino Grandstand ang imahe ng Poong Jesus Nazareno para sa isasagawang pahalik.

Ayon sa pamunuan ng Simbahan ng Quiapo, dinala ang imahe ng Poong Jesus Nazareno bandang alas 12 kagabi.

Gayunman, sa Enero 7 pa sisimulan ang pahalik pagkatapos ng alas-6 ng hapon na Misa para sa mga volunteer.

Kasama rito ang mga media na nagkokober sa buong kaganapan at mga frontline personnel.

Inaasahan na aabot sa mahigit isang milyong mananampalataya at deboto ang makikiisa sa kapistahan ng Jesus Nazareno sa Enero 9 lalo na sa prusisyon o Traslacion 2026.

Sa ngayon ay puspusan pa rin ang paghahanda ng mga organizer ng Jesus Nazareno 2026 kasama ang pamunuan ng Manila Police District (MPD), pamahalaang lokal ng Maynila, pamunuan ng Quiapo at ibat-ibang ahensya ng gobyerno na tutulong sa pagtugon sa mga emerhensiya at medikal sa araw ng Transcion. Jocelyn Tabnagcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here