Home NATIONWIDE Revilla naghain ng counter-affidavit sa mga alegasyon sa maanomalyang flood control –...

Revilla naghain ng counter-affidavit sa mga alegasyon sa maanomalyang flood control – DOJ

237
0

MANILA, Philippines – Naghain ng counter affidavit si dating Senator Ramon ‘Bong’ Revilla sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa umano’y walang basehan na alegasyon laban sa kanya.

Ayon kay Atty. Francesca Lourdes Señga, ang tagapagsalita ng dating senador, ang paghahain nila ng counter-affidavit ay upang direktang i-address ang baseless allegation dahil sa hindi credible at kulang-kulang na ebidensya.

Si Revilla ay sinampahan ng reklamo ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa umano’y maanomalyang flood control project sa Bulacan, kung saan sangkot ang Wawao Builders.

Giit ni Atty. Señga, sa katunayan ay base lamang aniya sa sabi-sabi at galing sa incredible, unbelievable at unreliable source.

“Yung mga ganitong complaint na finafile na walang batayan eh para bang finile lang para lang mang harass o mang-abala ng isang tao indibidwal, so sa totoo lang yung mga ganitong complaint ayon sa batas at sa rules ng evidence, hindi dapat itong paniwalaan dahil ito ay walang bigat at halaga,” pahayag ng abogado at tagapagsalita ng dating senador.

Naniniwala ang kampo ni Revilla na maibabasura at hindi na aabot pa sa korte ang reklamo.

Hindi na rin nagbigay pa ng pahayag si Revilla sa media. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here