Home NATIONWIDE DOH planong magbukas ng mas maraming BUCAS centers

DOH planong magbukas ng mas maraming BUCAS centers

287
0

MANILA, Philippines – Plano ng Department of Health (DOH) na magbukas ng higit pang Bagong Urgent Care and Ambulatory Services (BUCAS) Centers sa buong bansa upang maging accessible ang libreng serbisyo sa mga outpatient.

Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa, 31 BUCAS Centers ang kasalukuyang ginagawa.

Tiniyak din ng kalihim na gagawing mini-BUCAS facilities ang 312 na kasalukuyang super health centers.

Ang BUCAS Centers ay nagbibigay ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan tulad ng mga laboratory tests at minor treatments.

Sinabi ni Herbosa na may 60 BUCAS Centers na ang kasalukuyang nag-ooperate sa buong bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here