MANILA, Philippines – TINATAYANG 82% ng mga pinoy ang nagtitiwala sa Estados Unidos na makatutulong sa Pilipinas na protektahan ang national interests nito.
Ito’y ayon sa Pulse Asia survey, ipinalabas araw ng Lunes.
Ang Stratbase Group–commissioned poll, isinagawa mula December 12 hanggang 15, 2025, makikita na nakaungos ang Estados Unidos kaysa sa ibang bansa na pinagkakatiwalaan ng mga pinoy para makatulong na igiit ang karapatan ng Pilipinas at protektahan ang national interests.
Pumapangalawa naman ang Japan na may 64%, sumunod ang Canada na may 58% at Australia na may 51%.
Ang South Korea ay nasa pang-lima na may 37%, bahagyang nakaungos sa United Kingdom na may 33%.
Sumunod ang 27-member European Union na may 27%, at Taiwan na may 12%.
Ang Tsina, nakikipag-agawan sa Pilipinas sa the West Philippine Sea sa kabila ng 2016 Hague-based Permanent Court of Arbitration ruling, nasa ranggong pang-siyam na may 11%.
Ang India sa kabilang dako ay may 4% lamang.
Sa kabilang dako, sinabi ni Stratbase Group founder at Chief Executive Officer Prof. Victor Andres “Dindo” Manhit na ang resulta ay sumasalamin na ang publiko ay ‘fully aware’ sa agresyon ng Tsina sa West Philippine Sea.
“The sentiment is very clear. Filipinos know who is violating our rights, and they know who our friends are. What is happening in the West Philippine Sea affects our fishermen, our food supply, and our national dignity,” ayon kay Manhit.
Tinukoy nito ang kamakailan lamang na insidente kung saan nakita ang mangingisdang pinoy at Coast Guard at Fisheries personnel na nakikipagsagupaan sa Coast Guard ng Tsina at People’s Liberation Army Navy (PLAN) vessels sa katubigan sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
“China has continued to harass Philippine vessels in the West Philippine Sea through dangerous blocking maneuvers and the use of water cannons. These actions have put Filipino fishermen and Philippine Coast Guard personnel in danger and have disrupted fishing activities in waters that belong to the Philippines,” dagdag na pahayag ni Manhit.
Tinukoy din ni Manhit ang rekord ng National Maritime Council na nagpapakita na may kabuuang 78 na napaulat na insidente na may kinalaman sa Chinese aggression, kabilang na ang 13 radio challenges, isang ramming incident, pitong mapanganib na maneuvers, at dalawang water cannon incidents.
Naidokumento rin ang paglalatag ng mga lambat at pagharang sa mga mangingisdang pinoy at law enforcement vessels, 37 shadowing incidents, at ang kamakailan lamang na deklarasyon ng Scarborough Shoal bilang isang nature reserve, at maging ang banta ng live-fire exercises sa paligid ng Bajo de Masinloc.
Samantala, ang Pulse Asia poll ay nag-survey sa 1,200 respondents sa buong bansa at mayroong ±2.8 percentage point margin of error. Mayroon lamang 15 respondents ang nagbigay ng kanilang sagot.
Ang mga respondents ay hinayaan na mamili ng limang bansa o organisasyon na kanilang pinagkakatiwalaan at pinaniniwalaang dapat na makatrabaho ng administrasyong Marcos sa paggigiit nito (Pilipinas) ng karapatan nito at protektahan ang national interests. Kris Jose