Home METRO Lapu-Lapu RTC dinidinig mosyon ng kampo ni Discaya

Lapu-Lapu RTC dinidinig mosyon ng kampo ni Discaya

216
0

CEBU, Philippines – Sinimulan na ng Lapu-Lapu City Regional Trial Court (RTC) ang pagdinig sa motion to quash information na inihain ng kampo ng contractor na si Sara Discaya at siyam na iba pa, na nahaharap sa kasong graft at malversation of public funds.

Iginiit ng depensa na walang hurisdiksyon ang RTC ng Lapu-Lapu City dahil ang umano’y ₱95.6-milyong ghost flood control projects ay matatagpuan sa Malita, Davao Occidental.

Nauna nang sinabi ng Korte Suprema na inilipat ang kaso sa Lapu-Lapu City alinsunod sa mga patakaran nito na nagsasaad na ang mga kasong may kinalaman sa katiwalian ay dapat ihain sa pinakamalapit na itinalagang anti-graft court sa loob ng judicial region.

Gayunman, ayon sa depensa, hindi umano saklaw ng nasabing patakaran ang kaso dahil wala sa mga akusado ang may posisyong may Salary Grade 27 pataas.

Nanatiling nakakulong ang mga akusado sa Lapu-Lapu City Jail, kapwa sa male at female dormitory.

Inaasahang magpapasya ang korte sa mosyon isang araw bago ang itinakdang arraignment sa Enero 13. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here