MANILA, Philippines – Pinalawig ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang flight ban sa paligid ng dalawang aktibong bulkan sa bansa—Bulkang Mayon sa Albay at Bulkang Kanlaon sa Negros Island—hanggang Martes, Enero 6, dahil sa banta ng biglaang pagsabog.
Mananatiling epektibo ang Notice to Airmen (NOTAM) ng CAAP hanggang alas-9 ng umaga ng Martes.
Mahigpit na ipinagbabawal ang paglipad malapit sa dalawang bulkan na kapwa nasa Alert Level 2, dahil maaaring malagay sa panganib ang mga sasakyang panghimpapawid sakaling magkaroon ng biglaang pagputok.
Ayon pa sa CAAP, patuloy nitong minomonitor ang sitwasyon sa dalawang bulkan. RNT/MND