Home HOME BANNER STORY 4 Filipino Cardinals dadalo sa unang consistory ni Pope Leo XIV sa...

4 Filipino Cardinals dadalo sa unang consistory ni Pope Leo XIV sa Roma

273
0

MANILA, Philippines – Dadalo si Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David sa unang extraordinary consistory o pagpupulong ng cardinals ni Pope Leo XIV sa Roma mula Enero 7 hanggang 8.

“Please include us in your prayers,” ani David sa social media.

Kasama rin sa consistory sina Cardinal Jose Advincula (Manila), Cardinal Orlando Quevedo (Cotabato, emeritus), at Cardinal Luis Antonio Tagle, pro-prefect ng Dicastery for Evangelization.

Ayon sa Vatican, ang pagtitipon ay para sa reflection, prayer, at pagbibigay suporta at payo sa Santo Papa sa pamamahala ng Simbahang Katolika.

Dahil dito, hindi makakadalo si Advincula sa Misa Mayor ng Feast of Jesus Nazareno sa Manila sa Enero 9, ngunit pinangunahan niya ang fifth novena Mass sa Quiapo Church noong Enero 4.

Sa halip, si Balanga Bishop Rufino Sescon ang mangunguna sa Misa Mayor ngayong taon.

Ito ang unang konsistory pagkatapos ng eleksyon ni Pope Leo XIV noong Mayo 9, 2025, at layunin nitong palakasin ang ugnayan ng Pope at mga Cardinals. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here