Home ENTERTAINMENT Anak nina Maja at Rambo, may face reveal na!

Anak nina Maja at Rambo, may face reveal na!

287
0

Manila, Philippines – The long wait is finally over.

Kasabay ng New Year’s Day ay ibinalandra na ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez ang itsura ng kanilang one-year-old daughter na si Maria.

May face reveal na nga ang cute na cute na bata sa Instagram.

Bale first solo photo ‘yon ni Maria na naka-pose with snow-capped mountains bilang background.

Kuha ang larawang ‘yon sa kanilang bakasyon sa Banff, Canada–na bahagi ng kanilang biyahe across Europe that included a stop in France.

The proud Maja wrote: “Posting this one and only photo para ipakita namin sa buong mundo kung gaano kami ka-proud sa pinakamalaking blessing na natanggap namin…”

Dagdag pa ng celebrity mom, pangako daw nila ni Rambo na poprotektahan nila ang privacy ni Maria whatever happens.

Ipinauubaya rin ng mga magulang nito kay Maria if the latter feels it’s time for the world to know her.

Samantala, nag-post naman ng family photo si Rambo sa kanyang IG account.

New Year greeting ‘yon na punumpuno ng pasasalamat for 2025’s many blessings. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here