Home ENTERTAINMENT Sarah at Mother Divine, may tampuhan ulit!

Sarah at Mother Divine, may tampuhan ulit!

271
0

Manila, Philippines – May nag-spill the tea ng family gathering nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli kasama ang pamilya ng Popstar Royalty noong nakaraan.

In fairness, malaki pala ang angkan ni Sarah dahil dinaluhan ito ng kanyang mga kamag-anak.

However, wala sa group picture ang nanay ng singer-actress na si Mommy Divine.

Dahil dito, nag-one plus one ang nagmamarisol kaya sinabing may tampuhan daw ulit ang mag-ina.

Ito ang ilang komento ng kibitzers nang may magtanong kung bakit missing sa kaganapan ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ni Sarah G. na si Mommy Divine.

“Nagmumukmok pa rin ngayong 2026, I guess?”

“Nagmamaktol pa rin.”

“Sya kumuha ng picture. Hahahaha.”

“BAka nagluluto pa sa kusina!”

“Nag-iinarte na naman kasi wala na siyang share sa earnings ni Sarah LOL.”

“Nagbibilang ng pera ni princess Sarah.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here