Home METRO 3 most wanted tiklo sa manhunt ops sa Bataan

3 most wanted tiklo sa manhunt ops sa Bataan

262
0

BATAAN, Philippines – Nadakip ng mga awtoridad ang tatlong (3) Top Most Wanted Person na pawang mga suspek na sangkot sa mga kaso ng krimen gaya Murder at Rape matapos masukol ang mga ito sa ikinasang manhunt operation ng pulisya sa magkakahiwalay na lugar sa naturang lalawigan.

Batay sa ulat kay Region 3 Police Director Brigadier General Ponce Rogelio PeƱones Jr.

Naaresto ng Tracker Team ng Balanga City Police Station ang suspek na si alyas “Oly”, 38 anyos na isang Dental techician an akusado sa kasong Statutory Rape na Top 3 Most Wanted Person Provincial Level.

Nakorner naman ng mga pulis sa Mariveles, Bataan ang suspek na si alyas “Ron”, 31 anyos, Top 3 Regional Most Wanted Person na akusado sa kasong Murder.

Nadakip naman ng Limay PNP Tracker Team ang suspek na si alyas “Noy”, 31 anyos, Top 2 Regional Most Wanted Person na akusado sa 2 Counts of Satutory Rape.

Naaresto ang mga suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu Korte sa naturang lugar.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga naarestong suspek para dokumentasyon at tamang disposisyon. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here