Home METRO Lolo kinatay ng manugangMETROTOP STORIES Lolo kinatay ng manugangJanuary 6, 2026 13:342330 FacebookTwitterPinterestWhatsApp CAGAYAN, Philippines – Halos naliligo na ng sariling dugo na nakahandusay sa lupa ang 77 anyos na lolo nang datnan ng mga pulis sa Buguey, Cagayan.Naitakbo pa siya sa ospital, pero idineklarang dead on arrival dahil sa natamong mga sugat sa ulo, braso at iba pang bahagi ng katawan.Sa imbestigasyon, pinagtataga ang senior citizen ng kanyang 48 taong gulang na manugang.Sa hot pursuit operation, nahuli ang suspek at narekober ang itak na ginamit sa krimen.Inihahanda na ang reklamong murder laban sa suspek na nalamang may warrant of arrest din sa kasong panggagahasa. (REY VELASCO)