Home NATIONWIDE Pagpapatuloy ng EDSA rehab inaasahan ni Dizon

Pagpapatuloy ng EDSA rehab inaasahan ni Dizon

213
0

MANILA, Philippines – Inaasahan ni DPWH Secretary Vince Dizon na maayos na magpapatuloy ang rehabilitasyon sa iba pang bahagi ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) matapos ang matagumpay na unang yugto ng proyekto noong holiday season.

Ayon sa DPWH, personal na ininspeksyon ni Dizon ang bagong tapos na EDSA Busway lane mula Roxas Boulevard sa Pasay City hanggang Orense sa Makati City noong Lunes ng gabi bilang bahagi ng Phase 1 ng proyekto.

Agarang natapos ang seksyon ng busway lane matapos ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siguraduhing maayos agad ang EDSA upang mas ligtas ang biyahe ng mga motorista.

Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang DPWH sa Metro Manila Development Authority at Department of Transportation para sa pagkukumpuni ng natitirang bahagi ng EDSA.

Para sa taong ito, ang rehabilitasyon ay isasagawa lamang tuwing gabi mula 10 p.m. hanggang 4 a.m. Kasama sa gawain ang mga repair at asphalt overlaying. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here