Home NATIONWIDE Malakanyang, handa sa hamon ng SC vs 2026 nat’l budget

Malakanyang, handa sa hamon ng SC vs 2026 nat’l budget

226
0

MANILA, Philippines – Nakahanda ang Malakanyang na harapin ang mga petisyon na ihahain sa Korte Suprema na kukuwestiyunin ang ‘constitutionality’ ng 2026 national budget.

Nauna nang sinabi ni House Senior Deputy Minority Leader at Caloocan City 2nd District Rep. Egay Erice na magpepetisyon siya sa Korte Suprema upang kuwestiyunin ang ‘unprogrammed appropriations’ sa pinirmahang 2026 national budget ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

“May karapatan sila na dumulog sa Korte Suprema at tanungin kung unconstitutional ang parte na ‘to ng national budget,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

“Kapag sila ay nag-file ng petition, sasagot ang administration at tingnan natin kung ano ang magiging decision ng Korte Suprema,” dagdag na wika nito.

Ang mga Unprogrammed appropriations ay budget items na mapopondohan lamang kung mayroong excess o sobra na government revenue at iba pang funding sources, gaya ng loans o special laws.

“Confident po sila na ang ginawa po ngayong budget ay ang pinakamalinis, pinakamaayos at ito’y para sa taumbayan. So, confident po ang Pangulo,” ayon kay Castro.

Sa ulat, sinabi ni Erice na hindi konstitusyonal ang pondong nasa unprogrammed appropriations alinsunod sa Section 22 ng Article 7 of the Philippine Constitution kung saan nakalagay na tukoy dapat ang pinagkukunan ng pondo para sa budget expenditures.

Dagdag pa niya, “Maliwanag naman doon sa PhilHealth decision ng Korte Suprema, may isang opinyon ‘yung isang maestrado [na] si Justice Hernando na sinasabing ‘all forms of unprogrammed appropriations are unconstitutional’.”

“Ang unprogrammed funds ay wala namang source of financing ‘yan. Kumbaga, pangako pa lang yan,” saad pa nito.

Sinabi naman ni Castro n ginagalang nito ang hakbang na hamunin ang validity ng 2026 GAA.

Nito lamang araw ng Lunes, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang PhP6.793 trilyong pambansang badyet para sa Taong Piskal 2026, na nagpapanatili ng momentum sa reporma sa edukasyon, pangangalagang pangkalusugan, seguridad sa pagkain, panlipunang seguridad, at paglikha ng trabaho.

Sa ginanap na seremonya ng paglagda sa Malacañan Palace, tiniyak ni Pangulong Marcos sa publiko na ang 2026 General Appropriations Act (GAA) ay nakaayon sa plano ng pamahalaan para sa medium- at pangmatagalang kaunlaran at nakatuon sa pagpapabuti ng buhay ng mga Pilipino. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here