Home NATIONWIDE #WalangPasok sa mga korte sa Maynila sa Enero 9 – SC

#WalangPasok sa mga korte sa Maynila sa Enero 9 – SC

192
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Korte Suprema (SC) nna suspendido ang trabaho sa lahat ng first at second level courts sa Maynila sa Enero 9, Biyernes, para sa Kapistahan ng Poong Nazareno (Traslacion 2026).

Inatasan ang mga executive judge na tiyakin na may sapat na court personnel para tugunan ang mga agarang kaso tulad ng kahilingan para sa bail, orders of release, at aplikasyon para sa writs of habeas corpus. Ayon sa SC, mananatiling maabot ang lahat ng korte sa kanilang hotline at email habang suspendido ang operasyon.

Nauna nang inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa Enero 9, ang liquor ban sa loob ng 500 metro mula sa Quiapo Church at sa Traslacion route, at ang kabuuang pagbabawal sa paggawa, pagbebenta, at paggamit ng paputok mula Enero 8 hanggang 9.

Magpapatupad din ang Philippine National Police (PNP) ng gun ban sa Maynila mula Enero 8 hanggang 10 bilang bahagi ng seguridad para sa kaganapan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here