Home NATIONWIDE Visa Policy para sa mga Tsino, walang pinagbago — DFA

Visa Policy para sa mga Tsino, walang pinagbago — DFA

277
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Martes na hindi nagbago ang visa policy para sa mga mamamayan ng China.

“As of today, the visa policy for entry of Chinese nationals to the Philippines remains the same,” sabi ni DFA spokesperson Angelica Escalona.

“Visa applications continue to be processed by our Foreign Service Posts in accordance with existing visa regulations for Chinese nationals.”

Ang paglilinaw ay kasunod ng ulat na nakatanggap ang isang Chinese national ng e-mail na nagsasabing maaari na silang makapasok sa Pilipinas nang walang visa para sa turismo at negosyo.

Sa kasalukuyan, pinapayagan ang visa-free entry ng mga Tsino nang hanggang pitong araw. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here