MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa publiko na maging maingat sa mga pekeng Viber at Messenger account na gumagamit ng pangalan at larawan ni Secretary Hans Leo Cacdac.
“Mariin naming nililinaw na hindi po ito tunay,” ayon sa social media post ng departamento.
“Nauunawaan namin ang kagustuhan ng ating mga OFWs na makausap at makalapit sa pamahalaan. Paalala po na may mga mananamantala sa tiwalang ito. Ang DMW ay nakikipag-ugnayan lamang sa pamamagitan ng opisyal at beripikadong channels.”
Ipinayo ng DMW na huwag tumugon sa mga mensahe mula sa pekeng account, huwag magbigay ng personal na impormasyon, huwag magpadala ng pera, at i-block at i-report ang mga ito. Dave Baluyot