Home METRO Tanker truck lumiyab sa Quezon

Tanker truck lumiyab sa Quezon

210
0

PAGBILAO, Quezon – Isang tanker truck ang nasunog sa gilid ng Maharlika Highway, Barangay Ikirin, Pagbilao, Quezon dakong 11:00 ng gabi nitong Martes.

Kitang-kita at naririnig ng mga residente ang apoy at pagsabog mula sa truck.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Pagbilao, nakaparada ang truck sa gilid ng highway papuntang Maynila. Tumagal ang sunog ng higit isang oras bago ito naapula dakong 12:30 ng madaling araw nitong Miyerkoles.

Walang ibang nasaktan o nasawi at wala ring nadamay na ibang sasakyan. Nagdulot ang insidente ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko. Nagsasagawa na ang BFP Pagbilao ng imbestigasyon sa sanhi ng sunog. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here