Home NATIONWIDE 5,594 nakapasa sa 11,425 examinees sa 2025 Bar exams

5,594 nakapasa sa 11,425 examinees sa 2025 Bar exams

269
0

MANILA, Philippines – Umabot sa 5,594 na examinee ang nakapasa sa 2025 bar examination.

Sa kabuuang 13,193 na rehistradong aplikante, 11,425 examinee ang nakumpleto ang tatlong araw na pagsusulit na ginanap sa 14 na testing centers sa buong bansa noong Setyembre 7, 10, at 14.

Si Supreme Court Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier ang chairperson ng SC Committee on Bar Examinations.

Ang oath taking at signing ng Roll of Attorneys para sa mga nakapasa ay isasagawa sa susunod na buwan, ika-6 na araw ng Pebrero.

Ilang mga bar examinees na ang maagang dumating sa Korte Suprema na sabik ngunit kabado na makita na ang listahan ng resulta ng mga nakapasa sa Bar Exams. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here