Home OPINION DSWD-AICS NAKATULONG SA MAHIGIT 8.2M PINOY NOONG 2025

DSWD-AICS NAKATULONG SA MAHIGIT 8.2M PINOY NOONG 2025

224
0

MAHIGIT 8.2 milyon na Filipino ang napagkalooban ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Si­tuation (AICS) mula Enero 2025 hanggang Nobyembre 2025.

Ayon kay DSWD Spokesper­son at Assistant Secretary Irene Dumlao, lumampas ito sa itinakdang target ng kagawaran para sa naturang programa noong na­karaang taon.

Aniya, noong 2024 ay 4.2 milyon benepisyaryo lamang ang target ng AICS, habang itinaas ito sa 6.9 milyon para sa taong 2025 upang mas maraming Fi­lipino ang matulungan sa gitna ng iba’t ibang krisis. Gayunman, uma­bot pa sa 119.48 porsyento ang aktuwal na bilang ng mga na­­tulungan, na higit sa inaasa­hang target.

Ang AICS ay isang programa ng DSWD na nagbibigay ng agarang at panandaliang tulong sa mga indibidwal at pamilyang du­maranas ng krisis katulad ng karamdaman, pagkamatay ng mahal sa buhay, kawalan ng trabaho, sakuna, at iba pang biglaang pangangailangan.

Kapag hindi kayang bayaran ng pasyente ang malaking halaga ng kanyang hospital bill, ang DSWD lamang ang maaaring magbigay ng tulong pinansyal na nagkakahalaga mula P100,000 hanggang P300,000, depende sa kabuuang halaga ng bayarin. Ang inyong Agarang Serbisyo Lady mismo ang makapagpatu­nay na ang DSWD lamang ang tunay na tumutulong sa mga taong nasa gitna ng krisis.

Batay sa datos ng DSWD, Central Luzon ang may pinakamaraming benepisyaryong natulungan na may mahigit 800,000 indibidwal. Sumunod ang Caga­yan Valley na may higit 780,000 kliyente, habang pumangatlo ang CALABARZON na may mahigit 779,000 benepisyaryo.

Iba’t ibang anyo ng tulong ang ipinagkaloob sa ilalim ng AICS, kabilang ang medical assis­tance, transportation assistance, burial o funeral assistance, food assistance, assistive devices at technologies, psychosocial support, family food packs (FFPs), at cash relief assistance.

Nagpahayag naman ng pag-asa si ASec. Dumlao na ang malaking pagtaas ng pondo ng AICS sa 2026 national budget mula Php 26.9 bilyon tungo sa Php 63.9 bilyon sa bersyon ng Kongreso ay makatutulong sa maayos na pagpapatupad ng Republic Act 12309 o ang Free Funeral Services Act, na naging ganap na batas noong Setyembre 28, 2025.

Sa ilalim ng nasabing batas, sasagutin ng AICS program ng DSWD ang gastusin sa funeral package ng mga mahihirap na pamilyang hindi kayang tustusan ang maayos at marangal na paglilibing ng kanilang mahal sa buhay.

Tiniyak ni ASec. Dumlao na ang pondo ng kagawaran ay ga­gamitin nang wasto, malinaw, at may buong pananagutan, ka­sabay ng pangakong patuloy na iuugnay ang mga programa ng DSWD sa layunin ng Marcos administration na maghatid ng responsibo, inklusibo, at tunay na serbisyo sa sambayanang Fi­lipino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here