Home NATIONWIDE Shear line, amihan, easterlies magpapaulan sa Pinas

Shear line, amihan, easterlies magpapaulan sa Pinas

218
0

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong Huwebes ang Shear Line na nakaaapekto sa Timog Luzon, ang Northeast Monsoon o amihan sa natitirang bahagi ng Luzon, at ang Easterlies sa iba pang bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA.

Makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms ang Bicol Region, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan dahil sa Shear Line. Posible ang pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang malakas na ulan.

Magiging maulap na may mahinang ulan ang Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Aurora dulot ng amihan, ngunit wala umanong inaasahang malaking epekto. Bahagyang maulap hanggang maulap na may isolated light rains naman ang mararanasan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.

Bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms ang inaasahan sa natitirang bahagi ng bansa dahil sa Easterlies, na maaari ring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing may matinding thunderstorm.

Katamtaman hanggang malakas ang lakas ng hangin sa Luzon na patungong hilagang-silangan, habang katamtaman hanggang maalon ang karagatan. Sa Visayas at Mindanao, inaasahan ang mahina hanggang katamtamang hangin na patungong hilagang-silangan hanggang hilaga, at bahagya hanggang katamtaman ang alon sa mga baybayin. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here