Home NATIONWIDE Magkasintahan himas-rehas sa pekeng sigarilyo

Magkasintahan himas-rehas sa pekeng sigarilyo

218
0

NUEVA VIZCAYA, Phillipines – Himas-rehas ang magkasintahan matapos magbenta ng mga ilegal at pekeng sigarilyo sa isang pulis sa Aritao, Nueva Vizcaya.

Kabilang sa mga suspek ay si alyas Paul, 48-anyos na lalaki at kasintahan nito na si alyas Joy, 55-anyos na babae, na kapwa residente ng Brgy. Tucanon, Aritao, Nueva Vizcaya.

Huli umano sa pagbebenta ng mga ilegal at pekeng sigarilyo sa isang pulis na umaktong bibili ang mga pinaghihinalaan.

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang 40 rims ng Red modern cigarettes, 100 Light rims ng modern cigarettes kabilang ang 87 rims ng black modern cigarettes dagdag pa ang 30 rims ng RGB cigarettes na may kabuuang 267 rim ng sigarilyo at nagkakahalaga ng P106,800.00.

Nakatakdang sampahan ang magkasintahan sa paglabag sa RA 8293 bilang Intellectual Property Code of the Philippines. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here