Home HOME BANNER STORY 2026 unprogrammed funds, pinadedeklarang ‘unconstitutional’ sa SC

2026 unprogrammed funds, pinadedeklarang ‘unconstitutional’ sa SC

248
0

MANILA, Philippines – Naghain ng petisyon for certiorari at prohibition ang dalawang mambabatas sa tanggapan ng Korte Suprema noong umaga ng Huwebes upang humingi ng resolusyon tungkol sa isyu ng “constitutionality” o pagiging alinsunod sa Konstitusyon ng “unprogrammed funds.”

Magkasamang dumating sa Korte Suprema sina Bayan Muna Partylist Rep. Leila de Lima at Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice bago mag-alas 11 ng umaga bilang mga petitioners.

Sa kanilang petisyon, hiniling din ng dalawang mambabatas ang agarang pagpapalabas ng Temporary Restraining Order at/o Writ of Preliminary Injunction at/o Status Quo Ante Order at/o iba pang injunction remedies.

Ayon kay De Lima, bagamat may na-veto na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa General Appropriations Act (GAA), na nagkakahalaga ng P90.5 bilyon, may natira pa rin na P150.9 bilyon na unprogrammed appropriations na aniya ay wala na talaga dapat.

Aniya, kailangan ngayong magkaroon ng categorical ruling upang ma-interpret sa Korte Suprema kung ito ay constitutional o hindi ang pagkakaroon ng unprogrammed appropriations sa batas na tinatawag na General Appropriations Act.

Sinabi pa ng mambabatas na nilalabag nito ang Article 7, Section 2 ng Saligang Batas, na dapat ay malinaw na nakasaad ang sources of funding sa isang badyet, at binabawasan nito ang kapangyarihan ng Kongreso.

“Kasi ang Kongreso ang nag-o-authorize ng spending at ang Executive ang nag-e-execute ng spending,” sabi ni De Lima.

Ayon naman kay Rep. Erice, may grave abuse of discretion sa pagpapatupad nito.

Nangangamba rin si Erice na pinakadelikado rito ang source of financing dahil kapag nakalagay na sa “unprogrammed,” puwede aniyang gumawa ang gobyerno ng maghanap ng mga pondo.

Ito ay maaaring sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga assets na dapat bantayan, karagdagang loan na sobra-sobra na at hindi na kayang bayaran, at pagpapataw ng karagdagang buwis.

“So, hindi na ‘yan dadaan sa Kongreso dahil naka-programa na, kaya maling-mali ‘yan. At ang alam ko ngayon, nag-i-inventory na ng assets ang Department of Finance para maibenta kung sakaling kukulangin ang mga pondo para sa mga naaprubahan na ito,” dagdag pa ni Erice. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here