Home NATIONWIDE Gobyerno, naglaan ng P2-B pondo para sa sili

Gobyerno, naglaan ng P2-B pondo para sa sili

158
0

MANILA, Philippines — Inaasahang magpapatatag sa suplay ng siling labuyo (maliit na sili) at tutugon sa paulit-ulit na pagtaas ng presyo ang P2-bilyong alokasyon para sa high-value crops sa 2026 national budget, ayon kay Senador Francis Pangilinan.

“Basic kasi: Pag maulan, konti ang suplay, kaya mataas ang presyo,” ani Pangilinan, na nagbunyag na umabot sa PHP1,000 kada kilo ang presyo ng siling labuyo.

Ayon sa senador, sinusuportahan ng badyet ang mga hakbang ng Department of Agriculture (DA), kabilang ang pagpapalawak ng taniman sa labas ng tradisyonal na rehiyon tulad ng Bicol, paggamit ng greenhouse at tamang imbakan, at wastong timing ng pagtatanim at pag-aani.

“Suportado natin ang mga solusyon ng DA — magtanim sa mas maraming lugar, gumamit ng greenhouse at tamang imbakan, at i-timing ang pagtatanim at pag-aani,” dagdag ni Pangilinan.

Aniya rin, makakatulong sa pagpapanatili ng matatag na presyo at proteksyon sa mga mamimili ang maingat na pagpaplano sa binhi, imprastraktura, at crop programming, kasama ang regular na pag-uulat sa publiko tungkol sa suplay at presyo. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here