Home NATIONWIDE 3,000 parak ipakakalat sa 2026 Ati-Atihan Festival

3,000 parak ipakakalat sa 2026 Ati-Atihan Festival

383
0
Photo courtesy: Only In Aklan Facebook Page

MANILA, Philippines – Halos 2,980 na personnel ang ide-deploy araw-araw upang masiguro ang seguridad sa Ati-Atihan Festival sa Kalibo, Aklan mula Enero 14 hanggang 18, ayon sa Philippine National Police (PNP) noong Huwebes.

“Ang PNP ay nagpatupad ng komprehensibong plano sa seguridad at deployment upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto, turista, at kalahok sa buong selebrasyon. Isang average na 2,980 personnel kada araw,” ani Police Colonel Julius Caesar Domingo, chief ng Public Safety Division ng PNP Directorate for Operations.

Kabilang sa deployment ang mga pulis, sundalo, coast guard, at iba pang katuwang na pwersa, at sakop nito ang mga tampok na aktibidad tulad ng Sadsad Panaad contest at grand procession. Ipatutupad ang police visibility, crowd management, traffic control, at rapid response, na may pinakamalaking konsentrasyon sa Enero 18.

Orihinal na pagdiriwang ng Ati-Atihan ang pagpaparangal sa mga katutubo ng Aklan, at ngayon ay iniaalay bilang selebrasyon kay Señor Santo Niño.

Nagpupunas ng uling sa balat, nagsusuot ng tribong kasuotan, at nagdadamit ng festival’s iconic tasseled headdresses ang mga kalahok. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here