Home NATIONWIDE Lupang ibinigay sa mga magsasaka, babawiin kung ibinenta o isinangla – DAR

Lupang ibinigay sa mga magsasaka, babawiin kung ibinenta o isinangla – DAR

282
0

MANILA, Philippines – Babawiin ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang lupang ipinagkaloob sa mga magsasaka sa ilalim ng Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) kung ito ay isinasangla o ibinebenta bago matapos ang itinakdang 10 taon.

Ayon kay DAR Undersecretary Niña Taduran, may batas na nagbabawal sa mga ARBs na ipagbili o isangla ang kanilang lupa sa loob ng unang 10 taon mula sa pagmamay-ari.

“But you know, siyempre, inevitable iyan na mayroong hindi pa man naipamamahagi sa kanila na titulo, ay naisangla na pala o naibenta na,” ani Taduran.

Dagdag niya, “Actually, iyong sa legal namin, binabawi. May mga instances na babawiin sa iyo, meaning hindi ka pala karapat-dapat maging may-ari ng lupa under the ARB. Maaari naming ibigay ang data ng mga ownership na binawi ng DAR dahil sa pagbebenta o pagsangla.”

Ayon kay Taduran, mahigpit nilang mino-monitor ang mga ARBs upang masiguro na hindi nila ipinagbibili o isinasangla ang lupa.

“May monitoring kami, especially sa support services at sa municipal level. Bawal talagang ibenta ang lupa; tinitiyak naming inaalagaan at kinukultivate ito ng mga ARBs, hindi basta pinababayaan,” ani Taduran.

Binanggit din niya ang mga hakbang ng DAR para sa empowerment ng mga magsasaka:

“Under the leadership of Secretary Estrella, gusto naming ma-empower ang magsasaka hindi lang bilang farmer kundi bilang negosyante. Kaya nandiyan ang support services: farm machineries and equipment (FMEs), post-harvest facilities, at agri credit para makatulong sa kanila kung may kalamidad.”

Katuwang ng DAR sa programang ito ang LandBank, Land Registration Authority (LRA), at ang Department of Agriculture (DA) para sa patuloy na pagbibigay ng titulo at suporta sa mga magsasaka.

Ayon kay Taduran, karaniwang tatlong ektarya ang ipinagkakaloob sa isang ARB:

“Three hectares po talaga ang maximum na puwede ibigay. At ngayon, dahil sa Gender and Development program, kasama na ang spouse sa titulo. Halimbawa, kung si Mr. Juan dela Cruz ang beneficiary, ang asawa niya ay kasama na rin sa titulo – Mr. Juan at Mrs. Juana dela Cruz. Hindi na mother title, may individual titling, kaya magiging proud ang farmer na akin na talaga ang lupang ipinamahagi ng gobyerno.” Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here