Home NATIONWIDE P14-B pondo inilaan sa P20/kg bigas sa 2026

P14-B pondo inilaan sa P20/kg bigas sa 2026

375
0

MANILA, Philippines — Inihayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. noong Huwebes na hindi bababa sa P14 bilyon ang nakalaan para sa pagpapatupad ng programang “Benteng Bigas Meron Na!” para sa taong pananalapi 2026.

“Last year, ang ginagamit naming pera … for the P20 rice was only P5 billion, pero ang nagastos namin doon is P700 million lang, because of hindi ganoon kadaling i-implement nga,” ani Tiu Laurel.

Dagdag niya, “We took six months to lay the groundwork. This year, nadagdagan kami ng P10 billion, so more or less ang operating budget namin for this year, cash on hand of we might say so, will be P14 billion plus for this program.”

Tiniyak niya na gagastusin nang maayos ang badyet at makikinabang ang maraming Pilipino. Ilulunsad ang programa sa Pangasinan sa Enero 13 at layong makapaglingkod sa 15 milyong pamilya o 60 milyong Pilipino bago matapos ang taon, na may limitasyon na 10 kilo kada bahay kada buwan.

“Ito ay makakatulong sa pagpapababa ng inflation sa bigas at makokontrol ang presyo dahil may bahagi na mabibili ng ating mamimili na mas mura,” dagdag niya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here